i’ll be missing you, bestfriend…

yesterday afternoon, i received a text from jo…he is my bestfriend here in manila. we just started out as textmates 3 years ago…di kami nagkaroon ng pormal na relasyon, gang mutual understanding lang.. he came into my life when i was just starting my life here in manila. he is nice, wala akong masabi sa kanya…lagi akong nasa apartment nya noon. we are “we” pero walang pormal na usapan. as time goes by, nakahanap kami ng sari sarili naming barkada, mga bagong love interest sa buhay…hehehe…bigla na lang nabago ang lahat, pero good thing is magkaibigan pa rin kami…

di kami madalas mag usap o magkita pero pag may gimik ang isa sa amin, we make sure na nagsasabihan kami…even mga lovelife namin, napag uusapan…no hard feelings kahit ganun ang nangyari…but i missed the old times…

anyways, ganito yong takbo ng text namin kanina:

jo: (conrad hall), musta? may T.O.R. ka ba?

me: ok lang ako. kaw? oo may T.O.R. ako nung college…bat mo ask?

jo: wala lang.start na kasi ako ng bago kong work sa laguna next week.

me: ha? bat ang bilis. e di doon ka na talaga?dun ka rin ba talaga titira?lumipat ka na ba?

jo: oo. pero di pa ako lumilipat ng bahay. baka sa sept 2 pa..

me: talagang itatakwil mo na ang manila a…kalungkot naman, wala na akong kasamang gumimik…

jo: oo nga e… pero before i start there, kita muna tayo nang makapagbayad ako ng mga utang ko sayo.

me: wag na, kalimutan mo na yong utang mo sakin…wag mo nang bayadan..

jo: che, parang ayaw mo na akong makita ha.

me: tangek!!!ang sabi ko wag mo na lang bayadan. sige, kita tayo. text mo lang ako kung kelan. pero di ako available sa linggo kasi may activity kami sa rizal…sat pwede ako. text mo lang ako pag okay sayo yon.

jo: ok, sige.text kita.

me: sige, text text na lang…ingat palagi…
nalulungkot ako kasi si jo lang ang outlet ko sa kung sino talaga ako..i can be
my “real me” when i am with him, no pretentions or whatsoever. at one point in my life, inasam ko na madugtugan yong nakaraan namin. pero time will tell na lang.siguro hindi ngayon or pwede ring di na talaga pwede… but still, i am happy kung ano man yong nabuo naming samahan…it’s one thing that i am proud of.

jo, i know things will be different when you leave.tae ka, wala na akong bestfriend dito sa manila….wag mong solohin ang mga gimik mo, okay?!text mo ako pag gigimik ka, at sasama ako sayo..lam mo na kung kelan ako available.salamat sa lahat. you have touched my life and thank you for making me special… sa pagiging mabuting kaibigan, maraming maraming salamat.sana sa paglipat mo, wag kang makakalimot na may bestfriend ka sa manila. i will miss the old times, i will surely miss you!!!
*btw, iba ang iniisip ko ng sinabi nyang magbabayad sya ng mga utang nya(naughty mode)…hehehe..i just had the feeling na gusto nya ako makasama sa bahay nya even for the last time…hehehe…hhmmmmm, let us see what will happen….i might be right OR wrong… i’ll see him soon……

~ by conradhall on August 23, 2007.

Leave a Reply